Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng gabi, Hunyo 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:30 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 111 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 127 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.