Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga opisyal at empleyado ng Manila City Hall na makiisa sa month-long activities na ikinasa ng pamahalaang lungsod para sa pagdiriwang ng ika-452 anibersaryo ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24.

Ang paghikayat ay ginawa ng alkalde sa regular na flag raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Kasabay nito, inilatag na rin ni Lacuna ng mga nakalinyang aktibidad para sa Araw ng Maynila.

Kabilang dito ang pagpaparangal ng local government employees na nakapaglingkod ng matagal at ginugol ang kanilang panahon sa paglilingkod sa lungsod, pagkilala sa mga residente ng lungsod na nag-ambag at nagdulot ng karangalan sa Maynila, Miss Manila beauty pageant at ang socio-civil parade na gaganapin sa makasaysayang  Moriones sa Tondo.

Ilan pa sa mga aktibidad para sa Manila Day ay ang mga sumusunod:

Hunyo 15, 2023 (Huwebes)

7:00 AM- CityWide Clean Up Drive

4:00 PM- The Manila Film Festival (TMFF) Float Parade, Kartilya

6:00 PM- TMFF Premier Night, SM Manila

Hunyo 16 (Biyernes)

8:00 AM- Tree Planting, Arroceros Park

Hunyo 17 (Sabado)

9:00 AM- Manila June Bride, San Agustin Church

11:00 AM- Civil Wedding, PLM

Hunyo 19 (Lunes)

7AM- Wreath  Laying in Honor of Dr. Jose Rizal, Luneta Park

Afternoon- TMFF Awards Night

Hunyo 20 (Martes)

6:00 PM- Rampa Manila, Bulwagan

Hunyo 21 (Miyerkules)

2:00 PM- Loyalty Service Award, MET

Hunyo 22 (Huwebes)

2:00 PM- Outstanding Manilans, MET

Hunyo 23  (Biyernes)

7:00 PM- Miss Manila, MET

Hunyo 24 (Sabado)

8:00 AM- Wreath Laying - Rajah Sulayman’

8:30 AM- Civil and Military Parade, Moriones, Tondo

4:00 PM- Grand Copa De Manila, Malvar, Batangas.