Balik-akting ang isa sa mahuhusay na Kapamilya actor na si Jericho Rosales para sa international prison drama na "Sellblock' na ipoprodus ng BlackOps Studios Asia ng Pilipinas, Story Arch Pictures ng US, at Agog Film ng Hong Kong.

Ibinahagi ni Echo sa kaniyang Instagram account ang mga litrato niya habang nakaposas, nakasuot ng orange shirt, at may hawak na placard. Nakalagay rito ang pangalang "Cenon Santiago."

"I’m just very happy to be acting in front of the camera again," caption ni Jericho.

"Hi to my #SellBlock fam. You all are amazing. I’m honored… and happy I’m not waking up at 3am tomorrow. 😜 Sweet meme."

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Sa comment section, nagpahatid ng pagbati sa kaniya ang kapwa celebrities na sina Piolo Pascual, Dimples Romana, at Iza Calzado.

Marami naman sa mga netizen ang nasasabik nang masilayan at mapanood sa pag-arte si Echo.

"Happy ako active ka ulit sa acting. You're one of the best."

"You are one of the good actors in the industry. We would love to see you acting again. Yung tipong kahit hindi magsalita, facial expression lang...ang galing na!"

"Happy for your new project, is this a movie or a TV series? When can we watch this?"

"Can't wait to see it! We love you, our handsome & talented actor! Stay humble."

Wala pang detalye kung kailan maipapalabas at saan mapapanood ang naturang serye.