Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:58 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 263 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 25 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.