Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Linggo ng umaga, Hunyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:14 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte, na may lalim na 1 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Vinzons, Camarines Norte, habang Intensity II naman sa Paracale, San Vicente, Daet, Jose Panganiban at San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Daet, Camarines Norte; Sipocot, Camarines Sur

Intensity I - Siruma at Tinambac, Camarines Sur; Guinayagan, Quezon

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.