Tumawid na sa "rainbow bridge" ang kinagigiliwang security cat sa Worldwide Corporate Center (WCC) sa Mandaluyong City na si Mingming matapos umano nitong magkasakit.

Sa isang Facebook page para kay Mingming na ginawa ng mga nag-aalaga sa kaniya sa WCC, ibinahagi nila na nagkasakit si Mingming ng gingivitis o pamamaga sa gilagid kaya dinala siya sa beterinaryo. 

Ngunit sa kabila ng paggagamot ay hindi na raw bumuti ang kaniyang kalagayan hanggang sa binawian na siya ng buhay.

"Fly high and play to all fur and angels in heaven🐱 SG Mingming,” saad sa kaniyang Facebook page.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“No more pain now, thank you for all the memories and moment that you shared with us, you're always in our hearts, your memory will live on forever, we will miss you so much, thank you and goodbye SG Mingming,” dagdag nito.

Noon lamang Enero ay itinampok ng Balita si Mingming na nagmimistulang security guard at nagbibigay ng extrang good vibes sa mga empleyado at customers ng WCC tuwing umaga.

Bago maging security cat, si Mingming daw ay dating stray cat na pagala-gala lamang sa parking area ng gusali malapit sa food court.

“Feeling ni Mingming bahay na niya ‘yung WCC building,” saad ni Lala Buenaflor, Mall Head ng WCC, nang makapanayam noon ng Balita. 

“Naging kaibigan na [niya] ang admin, security, housekeeping at mga employee sa WCC building,” dagdag niya.

MAKI-BALITA: ‘Mingming the Se-cute-rity Cat!’ Pusa, nag ala-sekyu sa isang establisyemento