Binalikan ni Ryzza Mae Dizon ang kaniyang naging unang pagtapak sa Eat Bulaga bilang contestant ng Little Miss Philippines, at pinasalamatan ang programa at sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) sa pagtupad umano sa kaniyang mga pangarap.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Hunyo 1, nagbahagi si Ryzza ng kaniyang before and after photos sa Eat Bulaga, mula noong contestant pa lamang siya ng Little Miss Philippines taong 2012 hanggang sa noong maging regular host na siya ng programa.

“Maraming salamat po, @eatbulaga1979 TVJ sa pag-tupad ng mga pangarap ko,” ani Ryzza sa kaniyang post.

“Hanggang sa muli. ❤️,” dagdag niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Isa si Rhyzza sa mga host na nagbitiw sa TAPE Inc. matapos ianunsyo ng TVJ ang kanilang pagkalas dito.

MAKI-BALITA: Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

Bago pa maging regular host ng Eat Bulaga, si Ryzza ang nakakuha ng titulo bilang Little Miss Philippines ng programa noong 2012.