Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang "Adulpo Ampatuan" na tubong Ilocos Sur, matapos niyang i-flex ang umano'y natanggap na ulo ng kambing na nakadila pa, sa halip na inaasam-asam na cellphone sa binilhan at pinagkatiwalaang seller.

Napag-alamang ang pangalan ng seller ay si "Gemma Magabo" na nagtatrabaho sa Marikina.

"Sa mga nakakilala po kay Gemma Magabo nag-work sa Marikina, nag-order ako ng (Vivo) phone, ang dumating ulo ng kambing, humanda ka lang," aniya sa kaniyang caption.

Kalakip ng Facebook post ang mga "resibo" ng kaniyang natanggap na ulo ng kambing, na nakadila pa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Screengrab mula sa FB ni Adulpo Ampatuan

Pero, marami silang "nabudol" sa post na ito.

Ayon kasi sa panayam ng Balita kay Adulpo, walang dapat ipag-alala dahil magkakilala sila ng "inirereklamong" si Gemma; sa katunayan, magpinsan sila. Pareho silang tubong Ilocos, ngunit sa ngayon ay nasa Quezon City si Adulpo para sa kaniyang trabaho.

"Katuwaan lang po," ani Adulpo.

"Magpinsan po kami ni Gemma. Yung family po nila, may kambingan."

Sa katunayan, makikita rin sa Facebook post ni Gemma ang tungkol sa kanilang katuwaan post.

"Oh yung mga nauto dyan. Nuod naman (kayo) ng reels ko para mamonetized na account ko 😩 May libreng kambing, may freebie sahog," aniya.

"Baka pagsasampalin ko pa 'yang mga followers mo ng iPhone14 promax fully paid," biro pa ni Gemma sa pinsang si Adulpo.

Habang isinusulat ang balitang ito, pumalo na sa 54k reactions, 56k shares, at 3.9k comments ang naturang viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!