Tinatayang aabot sa ₱4.1 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya habang ibinibiyahe ng isang bangka sa Zamboanga City nitong Mayo 30 na ikinaaresto ng pitong katao.

Sinabi ni Zamboanga City Police Office director, Col. Alexander Lorenzo, under custody na nila ang pitong suspek na nakilalang sina Atara Sakilan Wahab, 60; Jester Ares, 22; Nabil Abdurasad, 50; Eldisen Ahalil, 29; Omar Mahmor, 24; Mhamor Baddon, 48; at Khay Atara, 19.

Naharang ng pulisya ang grupo ni Lorenzo habang dinadala sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang nasabing kargamento na nagmula pa sa Jolo, Sulu, lulan ng bangka sa bisinidad ng Brgy. Manalipa nitong, nitong Martes, dakong 9:30 ng gabi.

Ayon sa mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2ZCMFC), kasama nila ang grupo ng Bureau of Customs (BOC) na nagsasagawa ng seaborne patrol nang mamataan nila ang bangka na may kargang puslit na sigarilyo.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Philippine News Agency