Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Martes ng madaling araw, Mayo 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:08 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng San Francisco, Surigao del Norte, na may lalim na 13 kilometro.

Itinaas ng Phivolcs sa Intensity V ang Surigao City.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Surigao City

Intensity I - City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE; Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol, ngunit maaari umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.