Matapos ang pinag-usapang paglaladlad ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee bilang bisexual, pawang selebrasyon at pagmamahal naman ang natanggap lang ng titleholder mula sa kapwa niya beauty queens at pageant titleholders.

Proud member ng LGBTQ+ community si Michelle na opisyal niyang iniladlad sa publiko sa isang panayam nitong Lunes, Mayo 29.

Basahin: Michelle Dee, nagladlad bilang bisexual, rumesbak sa nagpakalat ng dating pics online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos ang matapang na anunsyo, inulan naman ng suporta at pagmamahal ang beauty queen gayunpaman.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Kabilang sa mga naki-celebrate sa paglaladlad ni Michelle si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Proud din sa kaniya maging ang isa sa naging matinding katunggali niya sa korona at ngayo’y Miss Supranational Philippines 2023 Pauline Amelinckx.

Nakibandera rin ng pride love para kay Michelle ang mga Pinay titleholder na sina Hannah Arnold, Winwyn Marquez, Maureen Wroblewitz, Krishnah Gravide, Laura Lehmann, Katarina Rodriguez, Christi McGarry, bukod sa iba pa.

Habang sari-sari pa rin ang reaksyon ng ilang fans at netizens sa pag-amin ni Michelle, tila nagpakita naman ng full force na pagmamahal ang pageant queens para sa Miss Universe bet.

Nauna nang ibinahagi ni Michelle na layon niyang yakapin ang kaniyang kuwento habang hinikayat ang iba na sundin ang kaniyang parehong yapak.

Si Michelle ang ikalawang openly bisexual Miss Universe Philippines titleholder. Una sa kaniya ang bisexual din na si Miss Universe 2021 Top 5 finalist Beatrice Luigi Gomez.