May pinariringgan? Viral ang online talak ni Kapamilya singer Elha Nympha kung saan sunod-sunod na binengga nito ang hindi pinangalanang “cheater.”

“’Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!” sey ni Elha sa kaniyang Facebook post nitong Lunes.

Sunod na kinondena ng The Voice champ ang kultura ng victim-blaming na aniya’y “hindi nakakatuwa.”

Hindi pa nagtapos ang litanya ng singer na sunod na niratratan ang tila maingay na manloloko? Sino kaya ito?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Dami sinasabi, cheater naman! Dapat i-quiet niyo nalang ang mouth ganoin!” pagpapatuloy ni Elha.

Bagaman hindi pinangalanan sa post, agad naman nakaladkad ng netizens ang isyu ng estranged couple na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez sa naturang post.

Matatandaang ilan pang personalidad ang nakisangkot sa isyu kasunod ng ilang serye ng public posts kamakailan.

Sey pa ni Elha: “Ang daming discussion hahanap pa ng butas bakit nag cheat, never niyo majujustify ang cheating yun lang un kbye.”

Basahin: VP ng Cornerstone, pinasinungalingan pahayag ng composer laban kay Moira – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Jonathan Manalo, iba pang nakatrabaho at kaibigan dumepensa para kay Moira Dela Torre – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Umabot sa mahigit 10,000 reactions ang viral post na umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.

“Ang sabi pwede mag cheat day! Sa pagkain po ah hindi sa relasyon ok? HAHAHAHA,” segunda pa ng singer sa hiwalay na post.