Matapos umano ang ilang mga pahiwatig sa mga naunang panayam ni Liza Soberano kung saan “never niyang binanggit si Enrique Gil,” bukod sa ilan pang rason, naging “konklusyon” na raw ng source ni Ogie Diaz na talagang hiwalay na ang LizQuen matapos ang walong taong relasyon.

Matatandaan ang kontrobersyal na pagbubulgar ni Liza ukol sa love team sa isang South Korean-based YouTube program noong Abril. Dito ay hindi nga binanggit ng aktres ang kaugnay ng kaniyang relasyon kay Enrique.

“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” sey ng dating talent manager ni Liza sa isang programa sa ">YouTube, Martes.

“Pero nanatiling tahimik sila sa isyung ito,” dagdag niya na “konklusyon ng karamihan” ngayon at ng mga sumusubaybay sa kilalang Kapamilya love team.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sunod namang naurirat si Ogie kung sino sa dalawa ang tumapos sa relasyon.

“Hindi ko alam kung pareho nila gusto ‘yun, pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kaniyang career programming,” aniya.

Hindi naman lingid sa lahat ngayon na abala si Liza para sa kaniyang Hollywood dream.

Pagpapatuloy ni Ogie: “Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”

Lalo pang naging kataka-taka umano ang setup ng dalawa nang maiulat kamakailan ang pagdating sa Pinas ni Liza kung saan wala umanong kaalam-alam si Enrique.

Sa huli, hiling ng talent mananger na “sana hindi totoo” aniya ang sariling claim ng kaniyang hindi pinangalanang source.

“Sana kung meron mang gap or meron mang ‘di pagkakaunawaan” ay maayos pa umano ng dalawa.

“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other,” sey ni Ogie gayunpaman.

Sunod na nagpahayag naman ng pagkalungkot si Ogie na naging saksi noon sa pagmamahalan ng dalawa.

Bago matapos ang balitaktakan, muli namang nilinaw ng kapwa host na si Mama Loi kung sino sa dalawa ang nakipaghiwalay.

“Yun ang narinig ko, ayaw na ni Liza. Si Ken ang gusto pa. Kaya nga lang nga, alpha girl tong si Liza eh,” paglalarawan ng talent manager sa huli.

Sa kabila nito, “rooting” pa rin si Ogie na sa kasalan humantong ang pagmamahalan ng LizQuen.