Sapat ang nakahandang relief goods ng pamahalaan para sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes

Sa panayam sa telebisyon nitong Mayo 29 ng umaga, sinabi ng opisyal na mahigit na sa 800,000 family food packs (FFPs) ang nakahanda na sa iba't ibang bodega ng DSWD sa buong bansa.

Aniya, ipamamahagi kaagad ito ng ahensya sa mga apektado, sa tulong na rin ng mga local government unit (LGU).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“[The goods] are prepositioned so that when the local government units called us for help, meaning, hindi na nila kaya because they are the first responders, national support will be there,” sabi ng kalihim.

Sa kabuuang bilang ng FFPs, naka-ready na ang 80,000 nito sa Cagayan Valley Region; 50,000 FFPs sa Ilocos Region, at mahigit sa 40,000 FFPs sa Central Luzon.

Ang mga naturang lugar ay inaasahang babayuhin ng bagyo na kasalukuyang kumikilos 470 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, ayon sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).