Sa kamakailang Twitter session ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa ilang fans, natanong ang beauty queen kaugnay sa kaniyang naging Miss Universe journey. May pinagsisihan nga ba ang Pinay-Italian beauty?

Sa serye ng #AskCeleste kamakailan, samu’t saring tanong ang isa-isang sinagot ni Celeste sa brand new Twitter account.

Isa na nga rito ang kaugnay sa kaniyang Miss Universe journey.

“What’s one thing you wished you did when you were competing in Miss Universe?” tanong ng isang fan.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Sey ni Celeste. “Everything happens for a reason. No regrets from all the decisions I made during my Miss Universe journey. But, if there is one thing that I could wish for, I should have listened more to my heart.”

Isa sa mga nakapansin sa sagot ng beauty queen ang kilalang El Tocuyo Award sa Facebook, isang pagkilalang ibinibigay ng fans para sa mga beauty queen na bigo mang makausad sa kompetisyon ay panalo naman sa puso ng maraming fans.

Kaniya-kaniya ring reaksyon ang fans sa pag-amin ni Celeste.

“Pageants seem to cause more harm than good nowadays,” komento ng isang fan.

“Catriona listened to her heart, did not allow others to dictate her that's why she won,” dagdag na saad ng isa pa.

Naungkat pa muli ang umano’y pankontrol ng MUPH sa delegada ng bansa pagdating sa mismong global stage.

“Same sila ni Rabiya Mateo kontrolado kasi sila ng MUP[H], they don't let the representatives be themselves, especially sa mga gowns,” walang prenong saad ng isang pageant follower.

“True. Kung di sya binago ni Jonas lakas ng laban nya. Delivery na lang ng answer butas ni Celeste sana,” segunda ng isa pang netizen.

Wala pang reaksyon ang MUPH kaugnay ng saloobin ni Celeste.

Nagpakatotoo! Celeste Cortesi, may pinagsisihan sa kaniyang naging Miss Universe journey