Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 38 na pasahero matapos sumadsad ang sinasakyang barko sa karagatang bahagi ng Surigao del Norte nitong Mayo 27.

Sa report ng PCG, biglang pumalya ang makina ng MV Reina Xaviera habang papalapit ito sa Port of Dapa, Siargao Island nitong Sabado batay na rin sa pahayag ng kapitan ng barko na si Prospero Nillo.

Tinangay ng malakas na hangin ang barko hanggang sa sumadsad.

"All passengers were in good physical condition when they arrived at the port," pahayag ng Coast Guard.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa kabila nito, binabantayan pa rin ng PCG ang nasabing barko na posibleng tangayin pa ng malakas na hangin na dulot ng bagyong Betty.