Ibinaba na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Betty sa kategoryang ‘typhoon’ nitong Sabado ng gabi, Mayo 27, ngunit nananatili umano sa Signal No. 1 ang 12 probinsya sa Nothern Luzon.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng gabi, nananatiling nakataas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  1. Batanes
  2. Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  3. Isabela
  4. Apayao
  5. Ilocos Norte
  6. Hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney)
  7. Kalinga
  8. Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc)
  9. Silangan at gitnang bahagi ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo)
  10. Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  11. Quirino 
  12. Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)

Namataan umano ang mata ng typhoon Betty 895 kilometro ang layo sa silangan ng Gitnang Luzon na may maximum sustained winds na 175 kilometer per hour at pagbugsong 215 kilometer per hour.

Ayon pa sa PAGASA, humina ang Typhoon Betty habang kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kilometer per hour.

Sa kasalukuyan ay wala pa naman umanong direktang epekto sa bansa ang naturang bagyo.