Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng gabi, Mayo 26, na bahagyang humina ang super typhoon Mawar, na tatawaging bagyong Betty pagpasok nito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa tala ng PAGASA, naging 205 kilometero kada oras ang kamakailang 215 kilometero kada oras na taglay na lakas ng hangin ng bagyo.

Namataan umano ang sentro ng mata ng Super Typhoon Mawar sa 1,475 kilometro ang layo sa silangan ng Gitnang Luzon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok ang Super Typhoon Mawar sa rehiyon ng PAR nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 27.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“On the track forecast, the super typhoon will continue accelerating west northwestward until tomorrow before gradually decelerating on Sunday (May 28) while maintaining its direction,” anang PAGASA.

Pagdating umano sa Lunes, Mayo 29, mabagal na kikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa ibabaw ng tubig sa silangan ng Batanes at maaaring maging halos nakatigil, at saka liliko sa hilaga hilagang-silangan sa Miyerkules, Mayo 31.

Inaasahang mananatili ang bagyo bilang isang super typhoon nitong Biyernes ng gabi hanggang sa katapusan ng linggo, bagama't nananatili pa rin ang posibilidad ng bahagyang paghina nito. 

Gayunpaman, ayon sa PAGASA, maaari pa ring agarang hihina ang super typhoon simula sa Lunes, bagama't inaasahang mananatili pa rin ito bilang isang bagyo sa pagtatapos ng forecast period.