Napa-wow ang maraming followers at ilang TV personalities sa kabogerang photoshoot ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha kamakailan.

Iflinex ng 53-anyos na OPM icon ang kaniyang black and white photos sa Instagram noong Miyerkules kung saan ilang mga kaibigan at followers ang humanga.

“Sus! Tong Lolang to ayaw paawat!” caption niya sa unang larawan.

Kabilang sa mga pumuso at napa-wow sa kabog na photoshoot ng veteran singer ang beauty queen na si Karen Ibasco, Unang Hirit anchor na si Arnold Clavio, ang aktres na si Donita Rose at singer na si Geneva Cruz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agaw pansin din ang pangalawang larawan ng singer kina TV host Ryan Agoncillo at The Clash champ Jessica Villarubin.

“Ayyyy Oh pak na pak Ate Lans!!! 😮😍”

“Go Lola! At least gorgeous!”

“So beautiful, Ms. Lani! 😍”

“Love the hair! Huwag paawat go lang ng go sis!”

“Ganda ng lola ko!!!!!😍😍😍”

“Baka nightingale yarn!”

“Ang haba ng hair! 👏👏👏”

“Slay!”

Ang classic B&W-themed shoot ay gawa ng Pinoy fashion photographer na si JM Ferrer.