Hindi pinalampas ng netizens ang aliw na pose ni Kapuso star Dennis Trillo kung saan anang netizens ay “slay moment” dahilan para maging instant viral online.

Umani ng libu-libong reaksyon online ang larawang ibinahagi ni Jennylyn Mercado kamakailan kung saan makikita ang kaniyang mister sa iconic na “gay pose” para sa isang photo sa Facebook.

Dahil sa charm ng Kapuso actor at aliw na concept, agad na pinutakte ng netizens ang larawan.

Pawang positibo at laugh trip na comment naman ang mababasa sa viral photo.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

“Sapagkat aking napag alaman ngayon na si senior Ibarra ay tila lumambot na! Anu na lamang ang sasabihin ni senyorita ngayong ganyan ang kaniyang itsura?! At nakatitiyak akong kapag nalaman ito ng kura tiyak sya ay mapaparusahan! ” tila aliw na paraan ng pagsasalita sa karakter ng aktor sa hit period-fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

“Mag hunos dili po kayo, Señior Ibarra! Ang iyo pong kasuotan ay hindi naaayon sa iyong katauhan at banal na kasulatan ng ating Panginoon! Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao at lalo pa at malaman ito ng kura? Tiyak na ikaw ay magagaya ng inyong ama, Señior!” bentang comment pa ng isang netizen sa viral photo.

“Por dios por santo señor ibarra! Tila nagbabago na ang iyong mga adhikain sa buhay?”

“Aii pakakkkkkk I love it seswang!” segunda ng isa pa.

"Slay moment!"

“Slay mother queen!”

“Denice Truly,” laugh trip na saad pa ng isang witty comment.

Marami ring fans ng aktor ang naalala ang 2013 Kapuso serye na “My Husband’s Lover” kung saan gumanap na bakla ang aktor.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 67,00 reactions ang viral photo.