Matapos ang unang school banquet ng panganay na anak na si Kendra, isang bukas na liham mula sa amang si Doug Kramer ang umantig sa netizens.

Isang milestone sa unang teenage year ni Kendra, 13, ang ginawang espesyal ng kaniyang magulang kamakailan.

Mula sa kaniyang blue dress na gawa mismo ng kaniyang ninang, ang glam team ng kanilang magulang na naging hands-on sa kaniyang paghahanda hanggang sa paghatid sa dalagita sa kaniyang school, prinsesa si Kendra para sa unang school banquet nito.

Ito nga ang flex ni Doug sa kaniyang kaniyang unang Facebook post.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Kendra may not have arrived in a pumpkin carriage, but she still felt like Cinderella at the middle school ball, ’ mababasa sa caption ng ama tampok ang tatlong glowing photos ni Kendra.

Kasunod nito, isang bukas na liham ang handog din Doug sa kaniyang dalagita.

“Have courage and be kind,” panimula ng ama.

Sa parehong post ay makikita ang ilang throwback na larawan ni Kendra suot ang ilang blue at red dress.

“Kendra, you're truly a princess inside and out. Ever since you were a little girl, you always loved wearing those cute princess dresses. And yesterday, I was so happy to see you in the favorite color I always said you looked extra beautiful,” saad ni Doug.

“More than your beauty, your heart stands out even more. And that is why Papa loves you so much. Those that know you well, know that the most,” pagtatapos ng ama.

Ilang netizens at masugid na followers naman ng Team Kramer ang naantig sa mensahe ni Doug sa anak.

“It reflect[s] the radiant beauty of a loving and wonderful family to her face where she has a home filled with love and beauty... you're truly growing up to be a precious, beauty, kind, adorable lady because you inherited it to your loving and wonderful parents not only you but also your siblings, am one avid fan of Team Kramer,” sey ng isang netizen.

“Elegantly gorgeous.  Daddy truly knows the right shade for you Kendra. ”

Umabot na sa mahigit 128,000 reaction ang viral post sa ngayon.