Sa kamakailang serye ng birthday celebration ni Kapamilya star Darren Espanto, isang mahabang pagbati ang natanggap ng singer-actor mula sa “friend” niyang si Kapuso star Cassy Legaspi.

Nagdiwang ng kaniyang ika-22 kaarawan si Darren noong Miyerkules, Mayo 24.

Isa sa nga sa bumati sa total performer ang naiintriga niyang kaibigan na si Cassy Legaspi.

“Happiest happiest birthday to my best friend, partner in crime, the other half of my brain and…sige na…my RM/Namjoon🎈,” mababasa sa pagbati ng dalagang Legaspi sa kaniyang Instagram.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dito sunod na pinasalamatan ni Cassy ang kaibigan at tinawag pang “D Total Package.”

“You are always so genuinely kind, thoughtful, caring, a true gentleman the list goes on and on!

Palagi mong sinasabi saakin na kailangan ko mag rest and to take it easy, but you tend to forget to do that as well 😅,” pagtatapos ni Cassy.

Lalo pang naloka ang fans ng dalawa sa komento ni Darren sa naturang Instagram post.

“LABYU! 💛💚” komento ni Darren.

Kahit na halos tanggapin na ng maraming fans na magjowa na nga ang young stars parehong paglilinaw pa rin ang ibinahagi ng singer sa isang panayam gayunpaman.

Nang matanong ni Momshie Regine sa kaniyang guesting sa Magandang Buhay kamakailan, “friend” pa rin ani Darren si Cassy.

“Si Cas ‘yung isa sa mga taong parang tinatakbuhan ko ‘pag medyo down po ako or when I need someone to talk to. She’s always there. She’s a great listener. She’s a great person to ask advice for. Tsaka ang bilis niya po makapag-lighten ng mood pagdating sa akin. I’m really just grateful to have a friend like her,” paglalarawan ni Darren sa relasyon niya sa Kapuso star.

“Cas and I are always being honest when people asked this. There’s nothing happening official or anything. We’re just enjoying each other’s time. We’re not rushing into anything po talaga,” paglilinaw na ni Darren.

“Friendship is a good foundation for whatever,” segundang pagsang-ayun naman ni Momshie Reg.

Noon 2022 pa nang simulang maintriga ang ugnayan nina Darren at Cassy.

Basahin: Hot seat: Tunay na score sa relasyon nina Darren at Cassy, rektang inalam ng inang si Carmina – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid