BUTUAN CITY - Isang lider ng New People's Army (NPA) at dalawa pang miyembro nito ang sumuko sa Agusan del Norte kamakailan dahil sa gutom at pagod.

Sa report ng 402nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), kabilang sa mga sumuko sina Nelson Odayao, team leader ng Sagay Sub-Regional Committee 3 (SRC-3) ng NPA-North Central Mindanao Regional Committee; Ruel Montillano at Lea Carilla, kapwa miyembro ng Platoon 1 of SRC-3.

Ang tatlo ay sumuko sa 23rd IB sa Buenavista, Agusan del Norte nitong Martes, Mayo 23.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang M16 Armalite rifles at isang shotgun at mga bala nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinahilan ni Odayao, hindi sila mabubuhay sa kilusan dahil na rin sa gutom at matinding pagod.

“Our leaders told us nothing will happen if we surrender and that we will only be killed by government troops. On the contrary, we were treated well by the soldiers of the 23IB,” ani Odayao.

Tiniyak pa ng militar na makakakuha ng financial assistance at iba pang benepisyo ang tatlong dating rebelde alinsunod na rin sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Philippine News Agency