Usap-usapan ngayon ang pag-amin at kumpirmasyon nina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang tunay na relasyon.

Bagama't tila alam naman na ng lahat ang tunay nilang estado, maganda pa rin kung sa mismong bibig nila manggagaling ang pag-amin at kumpirmasyon.

12 taon na palang magkasintahan ang dalawa, na nabuo noong 2011 nang magkasama sila sa isang serye sa ABS-CBN.

"Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati," ani Coco sa panayam ng TV Patrol kagabi, Mayo 23.

'12 years na kami!' Coco at Julia, umamin na rin sa relasyon

Kahit daw kapag lumalabas sila bilang couple eh maraming nakakakita sa kanila, subalit napanatili naman nila ang pagsasapribado kung anuman ang real score sa pagitan nila.

"What you see is what you get" ang peg nila, dagdag pa ni Coco.

Pero, sa kabila ng pag-aming ito ay hindi pa nila kinukumpirma ang kumakalat ding tsika na may dalawa na silang anak ni Coco.

Matatandaang hindi mamatay-matay ang tsikang nanganak noon si Julia sa anak nila ni Coco, at nasundan pa ito sa kasagsagan ng "FPJ's Ang Probinsyano" kaya raw kaunti na lamang ang exposure ni Julia bilang "Mara."

At matapos nga ang kanilang pag-amin sa relasyon, hinihiritan naman sila ngayon ng "baby reveal."

"We respect your privacy. We are happy for you!"

"Yung baby kelan kaya aaminin?"

"Sunod na reveal ang baby…"

"Why hide? They are public property, ang masa ang naglagay sa kanila sa kinaroroonan nila. Natatakot ba sila na baka maapektuhan career nila? From some reliable sources they have 2 kids already."

"After 12 years po ulit ang baby reveal…"

Samantala, wala pang reaksiyon at komento ang couple tungkol sa "baby reveal" hirit ng netizens.