Tila nadadawit sa kontrobersya ang parehong Miss Universe Philippines na sina Rabiya Mateo at Celeste Cortesi dahilan para agad nang maglabas ng resibo ang beauty queens.

Unang ibinahagi ni Celeste ang selfie with Rabiya sa kaniyang Twitter post nitong Martes, Mayo 23.

“Para sa mga maritess. Wala po kaming issue. Haha. Nothing but love for this amazing woman,” sey ni Celeste sa caption niya ng kanilang larawan ni Rabiya matapos makasama sa isang local pageant sa Camarines Sur.

Kinuryente na rin ni Rabiya ang chismis na sa Instagram naman ibinahagi ang larawan nila ni Celeste.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Nothing but love ❤️,” sey ng Kapuso host habang naka-tag si Celeste.

“Love you always!! ❤️❤️” komento naman ng Pinay-Italian beauty sa post.

Bago nito, isang chika ang laman sa pageant community kamakailan kaugnay umano ng hidwaan nina Rabiya at Celeste, bagay na inalmahan na rin ng ilang netizens at tagasuporta ng dalawa.

“Pageant fans must know their limitation, kung may issue man sa kanila wag na tayong makialam. Oh ayan sinampal na kayo ng katotohanan ha! ❤” litanya ng isang follower ni Rabiya.

“Masakit na sampal sa mga ma issue! 😂😂😂👏👏”

Si Rabiya ang naging pambato ng Pinas sa Miss Universe 2021 kung saan umabot siya sa Top 21 habang si Celeste naman ang manok ng bansa sa parehong pageant noong 2022 kung saan bigo siyang makapasok sa semifinals.