Sumuko na sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang dating na matagal nang wanted kaugnay ng pagkakasangkot sa patung-patong na kaso sa lalawigan.

Hindi na isinapubliko ni NEPPO chief, Col. Richard Caballero, ang pagkakakilanlan ng dalawang dating pulis-Gapan City, Nueva Ecija.

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang dalawa dahil sa warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nag-ugat sa pagtatanim ng ebidensya, at Robbery with Violence or Intimidation of any person.

Aabot sa P100,000 ang inirekomendang piyansa ng mga ito sa kasong robbery with violence.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Matatandaang sinibak sa serbisyo ang dalawa kaugnay sa umano'y pagkakasangkot sa iligal na drug operation noong 2018.