Usap-usapan ngayon ang pag-amin at kumpirmasyon nina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang tunay na relasyon.

Bagama't tila alam naman na ng lahat ang tunay nilang estado, maganda pa rin kung sa mismong bibig nila manggagaling ang pag-amin at kumpirmasyon.

Magkasama silang dumating na magkahawak-kamay pa, sa pinagsanib na puwersa ng Kapamilya at Kapuso stars para sa viewing ng "Unbreak My Heart."

12 taon na palang magkasintahan ang dalawa, na nabuo noong 2011 nang magkasama sila sa isang serye sa ABS-CBN.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati," ani Coco sa panayam ng TV Patrol kagabi, Mayo 23.

Kahit daw kapag lumalabas sila bilang couple eh maraming nakakakita sa kanila, subalit napanatili naman nila ang pagsasapribado kung anuman ang real score sa pagitan nila.

"What you see is what you get" ang peg nila, dagdag pa ni Coco.

Pero, sa kabila ng pag-aming ito ay hindi pa nila kinukumpirma ang kumakalat ding tsika na may dalawa na silang anak ni Coco.

Matatandaang hindi mamatay-matay ang tsikang nanganak noon si Julia sa anak nila ni Coco, at nasundan pa ito sa kasagsagan ng "FPJ's Ang Probinsyano" kaya raw kaunti na lamang ang exposure ni Julia bilang "Mara."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/06/23/cristy-hinggil-sa-ikalawang-isyu-ng-pagbubuntis-umano-ni-julia-aminin-na-ang-dapat-aminin/">https://balita.net.ph/2022/06/23/cristy-hinggil-sa-ikalawang-isyu-ng-pagbubuntis-umano-ni-julia-aminin-na-ang-dapat-aminin/