Nagdulot ng katatawanan sa social media ang Facebook post ng netizen na si Erwin Cerrudo matapos niyang mapag-alaman kung saan napunta ang sukli sa binili niyang samalamig.

Sa viral Facebook post ni Erwin, makikitang ang hinihintay niyang sukli ay nasa loob na pala mismo ng ininom niyang samalamig.

"Nag-iintay ako ng sukli nandito na pala…" aniya sa caption.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa panayam ng Balita kay Erwin, isinalaysay niya kung paano napunta sa baso ang sukli ng nagtitinda sa kaniya.

"Ang nangyari po kasi, pag-abot po ng sukli nag-shoot doon sa baso."

"Papalitan daw po niya sabi ko wag na tawang-tawa na lang po ako kasi nakaisip agad ako ng kalokohan na ipost. Sakto naman po yung sukli," kuwento niya.

Hindi naman ba siya nagalit sa nagtitinda?

"Hindi naman po, tawang-tawa na rin po ako sa mga nangyari," aniya.

"Tawang-tawa po ako habang iniinom yung palamig may thrill pa para makuha yung sukli HAHAHAHAHAHA."

Ayon pa kay Erwin, mukhang wala namang epekto sa kaniya ang nangyari dahil hindi naman sumakit ang kaniyang tiyan.

Habang isinusulat ang Balitang ito, umabot na sa 40k haha reactions, 40k shares, at 124 comments ang naturang viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!