Kinalugdan ng mga netizen ang isang tricycle driver matapos niyang mamasada nang libre maghapon dahil nakapasa sa Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) ang kaniyang misis na si Shella Ardines, taga-Butuan City.

Ayon sa ulat, ipinangako raw ni Reynante Ardines na magsasagawa siya ng free ride sa kaniyang tricycle sa oras na maipasa ng misis na si Shella ang BLEPT.

Mababasa sa kaniyang tarpaulin sa likod ng tricycle, "LIBRENG SAKAY. This is our way of saying thank you to the LORD for letting my wife (pass) the Licensure Examination for Teachers (LET) last May 19, 2023."

Sa kaniyang Facebook post naman ay masayang-masaya si Shella sa kaniyang tagumpay.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

"No words can define how happy I am. Finally, this is it🥹Lord, you are truly an amazing God," ani Shella na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics sa Caraga State University, Class of 2022.

Congrats Ma'am Shella at saludo kami sa iyo, Reynante!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!