Naitala sa Casiguran, Aurora ang heat index na 48°C nitong Martes, Mayo 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naranasan ng Dipolog City ang “dangerous” heat index na 48°C bandang 2:00 ng hapon kanina.

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Bukod sa Casiguran, Aurora ay nagkaroon din umano ng ‘dangerous’ heat index nitong Sabado sa mga sumusunod:

  1. Legazpi City, Albay (47°C)
  2. Masbate City, Masbate (47°C)
  3. Guiuan, Eastern Samar (46°C)
  4. Davao City, Davao del Sur (45°C)
  5. Alabat, Quezon (44°C)
  6. Baler, Aurora (44°C)
  7. Calapan City, Oriental Mindoro (44°C)
  8. Dipolog City, Zamboanga del Norte (44°C)
  9. Laoag City, Ilocos Norte (44°C)
  10. Virac, Catanduanes (44°C)
  11. Ambulong, Tanauan, Batangas (43°C)
  12. Aparri, Cagayan (43°C)
  13. Borongan, Eastern Samar (43°C)
  14. Daet, Camarines Norte (43°C)
  15. Dagupan City, Pangasinan (43°C)
  16. Juban, Sorsogon (43°C)
  17. Ninoy Aquino International Airport, Pasay City (43°C)
  18. Roxas City, Capiz (43°C)
  19. San Jose, Occidental Mindoro (43°C)
  20. Surigao City, Surigao del Norte (43°C)
  21. Tuguegarao City, Cagayan (43°C)
  22. Catarman, Northern Samar (42°C)
  23. Central Luzon State University, Muñoz, Nueva Ecija (42°C)
  24. Infanta, Quezon (42°C)
  25. Mactan International Airport, Cebu (42°C)
  26. Sangley Point, Cavite (42°C)
  27. Tacloban City, Leyte (42°C)

Noong Mayo 12, naitala sa Legazpi City, Albay, ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon matapos umanong makaranas ang lugar ng 50°C.

MAKI-BALITA: Heat index sa Legazpi City, pumalo sa 50°C, pinakamataas na naitala ngayong taon

Matatandaang, dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

MAKI-BALITA: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

Dahil din sa init ng panahon ay binigyang-diin kamakailan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na kinakailangan nang ibalik ang school calendar sa dati, kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo, para umano sa kaligtasan ng mga estudyante.

MAKI-BALITA: ‘School calendar, kailangan nang maibalik agad sa dati’ – house leader