Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Martes ng umaga, Mayo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:02 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 58 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng San Julian, Eastern Samar, na may lalim na 15 kilometro.

Walang namang inaasahan ang Phivolcs posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.