Sweet na sweet ang mensahe ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa 39th birthday ng kaniyang fiancé na si Sam Milby.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Catriona na tila hindi tumatanda ang kaniyang soon-to-be husband.

“Another year older, but you seem to be getting younger?! I know you hate celebrating your birthday, but I love celebrating you. Happiest birthday @samuelmilby I love you so much!,” lahad ni Catriona sa kaniyang caption.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kinakiligan naman ito ng mga fans at mga kaibigan nila sa industriya kasabay ng pagbati nila kay Sam sa comments section.

Matatandaang noong nakaraan Pebrero pumutok ang balita tungkol sa engagement ng dalawa, at sa isang vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kasama si Catriona, ay tila nagpahapyaw ito na sa susunod na taon na magaganap ang kanilang kasal.

Sa ngayon ay may higit 174k likes na ang birthday post ni Catriona para kay Sam.