CAGAYAN -- Naaagnas na nang matagpuan ang katawan ng 21-anyos na babae sa isang bakanteng lote sa Brgy. Annafunan East, Tuguegarao City nitong Martes, Mayo 23.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jasmin Grace ng Brgy. Atulayan Norte.

Ayon kay Police Capt. Rosemarie Taguiam, Information Officer ng PNP-Tuguegarao, isang concerned citizen ang nakakita sa katawan ng biktima at agad na inireport sa otoridad.

Sinabi ng pamilya ng biktima sa imbestigador na noong Mayo 20 ay may kikitain ito. Ngunit nang hindi ito umuwi kinabukasan, nagpasya ang pamilya na umapel sa social media.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Batid ng pulisya na maaaring pinatay sa ibang lugar ang biktima at saka na lamang itinapon sa bakanteng lote kung saan ito natagpuan.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon.