Madadagdagan na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Mayo 23, ayon sa pahayag ng ilang kumpanyang langis nitong Lunes.
Sa pahayag ng Caltex, ipatutupad nila ang₱0.80 na dagdag presyo sa bawat litro ng gasolina at₱0.60 naman ang ipapatong sa kada litro ng diesel sa Martes.
Aabot naman sa₱0.10 ang itatapyas sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad din ng kahalintulad na price rollback ang Shell at Seaoil habang ang Jetti Petroleum ay magro-rollback ng₱0.80 sa kada litro ng gasolina at₱0.60 naman sa diesel.
Humabol din ang Cleanfuel na magtataas din ng presyo ng gasolina at diesel.
Idinahilan ng mga oil company ang inaasahang pagtaas ng demand ng China.