Buong-buo na niyakap ng aktres at certified island mom na si Andi Eigenmann ang kaniyang motherhood kasunod ng no filter na pagbalandra ng kaniyang katawan online.

Sa isang Instagram reel nitong Linggo, Mayo 21, sa halip na itago ay all-out pa na i-flinex ng aktres ang kaniyang stretch marks at uneven na kulay ng kaniyang balat.

View this post on Instagram

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bahagi ito ng gimik din ni Andi para i-promote ang ilang damit ng Sisstrevolution, isang samahan ng makabagong kababaihang surfer na layong protektahan ang karagatan.

Kilalang environment advocate ang aktres at mom of three na ilan taon nang nakabase sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte.

Sa tinampok na quick changes nga ng aktres sa reel, ilang beses na makikita ang perfectly imperfect na katawan ni Andi na halatang walang balak na yumuko sa karaniwang pamantayan ng ganda, lalo na sa mga kababaihan at celebrities.

Maraming kapwa TV personalities at netizens naman ang nakiisa para lalo pang i-celebrate ang natural na ganda ng celebrity mom.

“Love those stretchmarks 😍 thank you for showing that. It reminds Moms like me that it's normal, it's okay, it's natural, and we can wear it proud, ❤️” komento ng isang follower ng aktres.

“Real beauty with a real body😍😍 [E]mbracing motherhood is love, 😍😍” segunda ng isa pa.

Kabilang din sa nagpaabot ng pagmamahal kay Andi sina Kapuso star Valeen Montenegro, kapwa celebrity mom na si Jessy Mendiola at ang content creator na si David Guison.

Bukod sa kanila ay bumuhos pa ang daan-daang positibong mga komento mula sa maraming netizens matapos ang no filter na online flex ni Andi.

Umabot na sa mahigit 84,000 likes ang naturang post ng celebrity mom sa pag-uulat.