DAVAO CITY - Nag-alok na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ng ₱1 milyong pabuya laban sa gumahasa at pumatay sa arkitekto sa lungsod kamakailan.

“I and the Dabawenyos are seeking justice for Miss Vlanche Marie Bragas. I am offering ₱1 million to anyone who can point out the perpetrator of this crime,” pahayag ni Duterte nitong Lunes, Mayo 22.

Naiulat na natagpuan ang bangkay ni Bragas, 28, na tinakpan ng dahon ng saging sa isang open canal sa Barangay Dacudao, Calinan district nitong Mayo 17.

Dakong 12:30 ng madaling araw ng nasabi ring petsa nang i-report sa pulisya na nawawala ang biktima na huling nakitang buhay habang nakasakay sa isang dilaw na tricycle sa Crossing Fausta, Calinan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa autopsy report ng Regional Forensic Unit sa Davao Region, kinumpirma na ginahasa ang biktima at sinakal hanggang sa bawian ng buhay.

Philippine News Agency