Tila wala pa ring balak na patahimikin ng Pinoy pageant fans ang pageant veteran at Miss International 2018 first runner-up na si Ahtisa Manalo na hanggang ngayon ay kinakalampag pa rin ng pageant fans kahit tapos na ang Miss Universe Philippines 2023.

Ito ang mababasa sa comment ng isang Facebook reel ng beauty queen kung saan tila wala pa ring humpay ang pakiusap ng pageant fans para muling sumalang sa national pageant scene ang beteranang pambato ng Quezon Province.

“Kung manluluto man kayo MUPH sana kay Ahtisa na lang kapag lumaban,” isang komento ng netizen kasunod ng pinag-usapang resulta ng Miss Universe PH 2023 kamakailan.

“Pwede pa ba ang edad niya sa MUPh??? Pleeaaseeee Athisa try once more, 1st runner up sa Miss International hindi imposibleng maiuwi nito ang pang limang korona para sa bansa❤❤😍,” hirit na rin ng isa pa.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Sey ng isa pang fan, magdiriwang ng ika-25 kaarawan si Ahtisa ngayong Mayo kaya’t pasok pa rin umano sa banga ang beauty queen para sa Miss Universe PH na mayroong 28 years old na age limit.

“One of my favorite Filipina beauty Queen. Looking forward for MUP next year,” segunda na rin ng isa pang pageant fan.

“Ito dapat Ang isasalang sa MU Panakot sa mga latina, lecheng Ganda ‘yan!👏👏👏

“Pag ito lumaban sa MuPH fan na ulit ako!”

“She's now ready to conquer the UNIVERSE STAGE! Bring it on!”

“Please compete! We are rooting for youuuuuuuuu!🥰

“Madam sali kana ulit!😢

Basahin: ‘Ipaghiganti mo kami!’ Fans, muling hinikayat si Ahtisa Manalo na bumalik sa pageant scene – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Nobyembre 2022 nang tila magpahiwatig si Ahtisa ng kaniyang pageant comeback matapos ang halos apat na taong pamamahinga.

Matatandaang sasabak sana sa Miss Universe Philippines 2020 si Ahtisa ngunit dahil sa medikal na kadahilanan noon, umatras ang beauty queen na ikinagulat ng marami.

“Believe me that I want to give you the fight you want to see, but I honestly don’t think I can manage to physically perform the duties of a candidate as this surely involves physically draining tasks,” aniya noong 2020.

Umaasa ngayon ang fans na all-set na sa susunod na taon ang pagbabalik sa pageant scene ni Ahtisa.

Sa kaniyang ilang madalang na online update, naging abala naman ang beauty queen sa pagiging judge sa ilang beauty pageant sa ilang probinsya sa bansa.