NUEVA VIZCAYA -- Patay ang 14-anyos na lalaki matapos mabangga ng tanker sa National Highway, Brgy. Sto. Domingo Proper, Bambang dito nitong Linggo, Mayo 21.

Kinilala ang drayber ng Hino tanker na si Nomer Aba, 45, residente ng Tres Reyes, Saguday, Quirino, habang biktima naman ay si "Cendric," estudyante at residente ng Ineangan, Dupax Del Norte ng probinsyang ito.

Ayon sa Philippine National Police-Bambang, ang biktima ay sakay ng kaniyang bisikleta nang mabangga ng trak.

Sinabi ng pulisya na bumusina ang drayber  para bigyan ng babala ang bata. Gayunpaman, nagulat ang bata at dahil dito aksidente itong nahulog at nabangga ng tanker. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP-Bambang ang drayber at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.