Ipinahayag ni House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto nitong Linggo, Mayo 21, na lilipas din ang tinawag niyang “political tampuhan” na nangyayari umano ngayon sa House of Representatives.

“This ‘political tampuhan’ shall pass,” pahayag ni Recto.

“This is a tempest in a teacup that will not wash away a strong alliance between close partners who share a common vision of a prosperous and peaceful country,” dagdag niya.

Sinabi ito ni Recto matapos ang nangyaring “demotion” kay Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker sa plenary session ng Kamara.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

“The presidency has been served well by this working partnership, two House leaders pooling their expertise and experience in providing valuable counsel to the leader of the land,” saad ni Recto na tila pinatutungkulan sina Romualdez at Arroyo dahil bago ang nangyaring demotion, sila ang may hawak ng una at pangalawang pinakamataas na posisyon sa Kamara.

Matatandaang sina Arroyo at Romualdez ay magkapartido rin sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), si Romualdez bilang party president habang si Arroyo bilang chairperson emeritus.

“This tandem is instrumental in the House’s prodigious output of bills, and the vigilant exercise of its oversight powers,” ani Recto.

Binanggit din ng mambabatas na napakaraming problema ng bansa, kaya’t nakatuon umano ang Kongreso sa pagbibigay ng solusyon sa mga ito at hindi sa mga intriga.

“The uninformed will say that unity has cracked. Nothing is farther from the truth. No wound needs healing as none was inflicted,” saad pa ni Recto.

Matatandaang ipinahayag kamakailan ng Makabayan block na ang nangyaring “demotion” kay Arroyo ay maaaring simula ng pagkakaroon ng mga “bitak” sa naturang alyansa, lalo na’t pagkatapos umano nito ang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kaniyang pagbibitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD.

BASAHIN: ‘UniTeam’ no more? Makabayan solons, nag-react sa mga nangyayaring ‘drama’ sa admin

BASAHIN: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD