Apat na miyembro ng Central Negros 1 (CN1) Front ng Communist New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Linggo.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Army (PA) sa kanilang Facebook post nitong Mayo 21 ng madaling araw.

Paliwanag ni PA-62nd Infantry Battalion (62IB) commanding officer, Lt. Col. William Pesase, kabilang ang apat na nasawi sa grupo ng mga rebeldeng nakalaban ng mga tauhan nito sa Sitio Cambawgon, Barangay Trinidad.

Aniya, resulta lamang ito ng pursuit operations kasunod ng sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at grupo ng NPA sa Moises Padilla sa naturang lalawigan nitong Sabado na ikinasawi ng limang rebelde.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isa sa mga rebelde ang sumuko sa militar, ayon kay Pesase.

Ilang baril at iba pang war materiel ang narekober sa pinangyarhan ng sagupaan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Philippine News Agency