Apektado ng red tide ang limang coastal waters sa Visayas at Mindanao, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kabilang sa limang lugar ang San Pedro Bay sa Basey, Samar; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Lianga Bay sa Surigao del Sur at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Sa pahayag ng BFAR, ang mga nakuhang samples mula sa mga natukoy na lugar ay nagpositibo sa paralytic shellfish poisoning (PSP) batay na rin sa resulta ng laboratory examination.

Nanawagan ang ahensya sa publiko na huwag na munang humango, bumili at kumain ng mga shellfish mula sa mga nasabing lugar.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, ipinaliwanag ng BFAR na maaari pa ring kumain ng mga isda, pusit, at alimango mula sa mga nabanggit na lugar basta hugasan nang husto bago lutuin.