June 08, 2026

Home BALITA Probinsya

₱10 milyong ‘calamity assistance,’ tulong ng Cebu sa General Santos City

₱10 milyong ‘calamity assistance,’ tulong ng Cebu sa General Santos City
Photo courtesy: Cebu Province (FB), PIA SarGen (FB)

Inaprubahan na ng ika-17 Sangguniang Panlalawigan ng Cebu ang resolusyong nagbibigay awtorisasyon sa paglalabas ng ₱10 milyong financial assistance para sa General Santos City kasunod ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol dito noong umaga ng Lunes, Hunyo 8. 

MAKI-BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani

Ang nasabing resolusyon ay ipinag-utos ni Cebu Gov. Pam Baricuatro sa isang opisyal na liham kay Vice Gov. Glenn Anthony Soco, bilang tulong ng Cebu sa muling pagbangon ng mga residente ng General Santos City. 

Bukod pa rito, binanggit ni Provincial Board Member Red Duterte na dahil hindi lamang General Santos ang naapektuhan ng lindol, direktiba niya ang pagkilala sa iba pang local government units na naapektuhan din ng trahedya, upang maabutan din ng tulong. 

Sa pahayag naman ng Cebu Province, binanggit na ang pagpapaabot ng tulong na ito ay bilang pagbabalik-tanaw donasyong ₱8 milyong financial aid ng General Santos City sa Cebu noong tinamaan din ng magnitude 6.9 na lindol ang Bogo City noong Setyembre 2025. 

Probinsya

Mga nasawi sa magnitude 7.8 lindol sa Sarangani, pumalo na sa 19!