Isang bagong obra maestra na naman ang ipinakita ng Pinoy pop group na SB19 sa kanilang bagong music video ng kantang 'Gento.'

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ito ay inilabas bago ang kanilang nalalapit na extended play na pinamagatang "Pagtatag" na ipalalabas sa Hunyo 9.

As of writing, pasok sa trending list ang #GENTO_MusicVideoOutNow sa Twitter.

Ang awitin ay sa panulat ni John paulo Nase, na siya ring nag-produce kasama si Simon Servida.

Ang SB19 ay 'Pinoy band na nag-debut noong 2018 na may limang miyembro na sina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin.

Nakatakda namang magsagawa ng world tour ang grupo na sisimulan nila sa bansa sa darating na Hunyo 24 at 25.