Aliw na ibinahagi ni Sue Ramirez ang pinakanakalolokang chika na kumalat noon tungkol sa kaniyang sekswalidad.

Ito ang isa sa mga ibinahagi ng young actress sa latest content ng Cosmopolitan Philippines sa YouTube, Miyekules, Mayo 17.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“What’s the craziest rumor you’ve heard about yourself?” isa sa mga tanong ng magazine sa aktres.

“Tomboy daw ako,” natatawang reaksyon ni Sue.

Dagdag niyang hirit: “Sa landi kong ‘to? Chareng!”

“I like boys common, guys,” pagpapatuloy niya na napagkamalan din daw noong dyowa ng kapwa Kapamilya actress na si Maris Racal.

Samantala sa parehong interview, ilang personal na tanong din ang game na game na sinagot ni Sue kabilang ang non-negotiable sa isang relasyon na pagtataksil o cheating, ang kaniyang love languages bilang isang Cancer, at ang noo’y first love na hindi siya nagawang habulin.

Sa ngayon, happily in love si Sue sa dating aktor at ngayo’y Victorias City Mayor na si Javi Benitiz.