Sino nga kaya ang pinatutungkulan ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang Facebook My Story?

Batay sa kaniyang post, para ito sa isang host na pinayuhan niyang huwag masyadong umasa sa teleprompter. Ang teleprompter ay tila monitor na nasa bandang harapan ng isang host, katabi ng camera, kung saan binabasa ng host ang mga sinasabi niya.

Mababasa sa My Story ni Ogie, "Pag host ka wag ka masyadong dependent sa teleprompter. Dapat, alam mo at na-research mo ang subject mo o yung isyung pinag-uusapan. Ikaw ang captain of the ship, ikaw ang inaasahang magdadala ng show, ikaw ang aakay sa guests, ikaw ang hihimay ng mga isyung pinag-uusapan hanggang sa maitawid mo hanggang dulo."

Dagdag pa, "Sa umpisa, maiitindihan mo, manganganay. Pero hindi naman lahat ng viewers mo, makakaintindi na nanganganay ka eh. Anyway, matagal ka na sa hosting, kaya mo 'yan. Wala kang di kakayanin."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa FB ni Ogie Diaz

Hindi naman nagbigay ng clue o pahiwatig si Ogie kung sino bang TV host ang pinatatamaan niya at binigyan ng unsolicited advice.