Nag-aalburoto pa rin ang Kanlaon Volcano matapos yumanig ng 13 beses sa nakaraang 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sunud-sunod na pag-uga ay naitala simula 5:00 ng madaling araw ng Linggo hanggang 5:00 ng madaling araw ng Lunes, Mayo 15.

Nagbuga rin ang bulkan ng 601 tonelada ng sulfur dioxide kada araw, ayon sa naitala ng ahensya nitong Mayo 12.

Umabot naman sa 50 metrong taas ang ibinugang usok ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinayuhan din ng Phivolcs ang publiko na huwag pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa inaasahang phreatic explosions.