ILOCOS NORTE - Naalarma na ang mga opisyal ng lalawigankaugnay sa tumataas na kaso ng rabies ngayong 2023.

Ang mga nasawi na may edad 35 hanggang 75 ay mula sa Nueva Era, Pinili, Sarrat at Paoay, ayon na rin sa datos ng Provincial Health Office (PHO).

"For the last 10 years, Ilocos Norte has maintained its status as a rabies-free province but in just an instant, we lost it,” pahayag ni provincial board member Dr. MedeldorfGaoatsa isang panayam nitong Lunes.

Nanawagan din siya sa lahat ng sektor na may kinalaman sa usapin na tumulong upang makontrol ang naturang virus.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng mass vaccination ng mga aso at pusa upang mapuksa ang rabies sa lalawigan.

Noong 2012, inilunsad ngProvincial Veterinary Office angIlocos Norte Communities against Rabies Exposure project na may layuning mapalawak angdog vaccination program sa lugar.

Sa datos ng PHO, bago pa maipatupad ang proyekto ay nakapagtatala sila ng kasong aabot sa 50 kada taon mula 2008 hanggang 2011.

Philippine News Agency