Patay ang tatlong lider ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng gobyerno sa Surigao del Sur at Agusan del Sur kamakailan.

Kinilala ng militar ang mga ito na sina Alberto Castaneda, commander ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C ng WGF16; Eric Mahinay Colon, olitical guide ng Squad 1, SDG-16; at Ranjie Pertos, vice squad leader ng SDG-16, pawang kaanib ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Sinabi ni Maj. Francisco Garello, hepe ng Public Affairs Division ng 4th Infantry Brigade, nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo sa Sitio Katarungan, Barangay Lobo, Cantilan nitong Mayo 11.

Bago pa ang naturang sagupaan, nakaengkuwentro na ang militar ang grupo ng mga rebelde sa liblib na lugar ng Barangay San Jose, Prosperidad, Agusan del Sur nitong Mayo 10.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa militar, napatay ang tatlong rebelde sa mga nasabing operasyon.

Anim na matataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa encounter sites, bukod pa ang mga pampasabog at mga bala ng baril.

Philippine News Agency