Inihain ni Pinuno Party-list Rep. Howard Guintoa ang House Bill No.7985 o ang Students’ Rights and Welfare Act of 2023 na naglalayon umanong masiguro na lubos na protektado ang mga estudyante sa kanilang mga karapatan.

Sa kaniyang explanatory note, sinabi ni Guintoa na kinakailangang lumikha ng kapaligiran kung saan maaaring gamitin ng mga mag-aaral at kabataang Pilipino ang kanilang mga karapatan at ganap na lumahok sa lipunan at pagbuo ng bansa.

“The bill recognizes the importance of democratic processes, particularly the right of students to organize and express themselves without undue influence from educational institutions,” ani Guintoa.

Kabilang sa mga karapatang nakasaad sa panukala ni Guintu ang mga sumusunod:

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

  1. karapatan laban sa diskriminasyon sa educational institutions;
  2. karapatan sa karampatang pagtuturo at kaugnay na kalidad ng edukasyon;
  3. karapatang mag-organisa;
  4. karapatang magtatag ng student council o gobyerno;
  5. karapatang mag-publish ng pahayagan ng mag-aaral at iba pang katulad na publikasyon;
  6. karapatan sa sapat na serbisyo sa welfare at mga pasilidad na pang-akademiko;
  7. representasyon sa pinakamataas na policy-making body ng paaralan;
  8. karapatan sa impormasyon;
  9. karapatan sa malayang pagpapahayag;
  10. akademikong kalayaan;
  11. karapatan sa due process;
  12. karapatan laban sa illegal searches at seizures;
  13. access sa mga tala ng paaralan at pagpapalabas ng mga opisyal na sertipiko; at
  14. karapatan sa privacy.

Kapag naisabatas ang panukala, binibigyan ng kapangyarihan ang Department of Education, Commission on Higher Education, at ang TESDA mag-imbestiga at magpataw umano ng administrative penalties para matiyak ang pagpapatupad nito.

Maaari naman umanong maghain ng reklamo sa mga naturang ahensya ang bawat estudyante, student council o government, national organization of student councils, at mga organisasyong pang-estudyante sakaling makaranas sila ng kahit anong paglabag sa mga naturang karapatan.