Makatatanggap na ng mid-year bonus ang mga empleyado ng pamahalaan simula Lunes, Mayo 15, ayon sa abiso ng Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang bonus ay katumbas ng isang buwan na suweldo ng kawani ng gobyerno.

Kabilang sa makakakuha ng bonus ang mga nakapagtrabaho na ng kahit apat na buwan sa pamahalaan simula Hulyo 1, 2022 hanggang Mayo 15, 2023.

“Alam naman po natin na isa ito sa mga inaabangan ng ating mga kapwa kawani ng gobyerno na talagang makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” sabi ni Pangandaman sa panayam sa telebisyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang pagbibigay ng bonus ay alinsunodsa specific allocation ng ahensya at ito ay nakapaloob General Appropriations Act (GAA).